Mga mag-aaral sa Bicol University, nagsagawa ng seremonya bilang paggunita sa Maguindanao Massacre

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng pagsisindi ng mga kandila ang ilang mga mag-aaral sa Bicol University kahapon sa Aquilino P. Bonto Building bilang seremony sa paggunita sa noo’y Maguindanao Massacre.

Dinaluhan ng mga mag-aaral ng Journalism and Broadcasting ng BU College of Arts and Letters para sa pag-alaala ng ikalabintatlong anibersaryo ng Maguindanao Massacre na siyang itinuturing bilang isa sa mga malalagim na araw sa kasaysayan ng pamamahayag.

Ayon pa rito, kinikilala nito ang nakamit na hustisya noong 2019 matapos na mahatulang guilty at maipakulong ang mga mastermind at ilang kasabwat sa likod ng massacre.

Patuloy pa rin ang panawagan ng mga mag-aaral sa pagkamit ng ganap na hustisya para sa mga biktima nito lalo’t marami pa sa mga sangkot ang hindi nahuhuli.

Umaasa naman ang mag-aaral na magsisilbi itong paalala upang mapabilis ang usad ng kaso ukol sa mga karahasan, krimen at human rights violation sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *