Mga mag ka-cat calling sa Naga City , sisitahin!

NAGA CITY –Sisitahin o kaya huhulihin na rin ng mga personahe ng Public Safety Office (PSO) ang sinumang individual partikular na ang mga lalaki na mambabastos sa mga babae sa pampublikong lugar, sa pamamagitan ng pag sipol o kaya pag puna sa kagandahan at kaseksihan ng mga ito.

Ito ay paglabag sa bagong ordinansang naipasa sa konseho, ayon kay PSO Executive Director Renne Gumba.

Sinabi nito sa Brigada News FM Naga na sa ngayon ay nagti-training na ang kanilang mga personahe para sa pagpatupad nila sa ordinansang ito.

Ang sinumang babae na nakaranas ng ganitong pambabastos ay puwedeng magreklamo sa makikitang PSO member na nakaduty sa lansangan.

Ipinaliwanag ni Gumba na ang isyu ng gender sensitivity, gender awareness ay dapat may alam din ang mga personahe nila para maipatupad ang ganitong ordinansa na ipinapatupad na rin sa ibang lugar sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *