Mga magsasaka sa 4 na bayan sa Albay, makakatanggap ng dekalidad na mga binhi ng palay mula sa DA PhilRice

Nagsimula nang namahagi ang Department of Agriculture Philippine Rice Research Institute (DA PhilRice) sa Bicol Region ng iba’t ibang mga dekalidad na binhi ng palay.

Ayon sa tanggapan, makakatanggap ng mga binhi ng palay ang mga magsasaka mula sa apat na bayan sa lalawigan ng Albay upang mas mapaganda at mapataas ang ani ng mga ito.

Kabilang sa mga bibigyan ay ang bayan ng Tiwi, Malinao, Bacacay at Tabaco.

Nilinaw ng ahensya na iba’t iba ang mga binhing ipinamamahagi sa mga magsasaka dahil nakadepende ito sa lugar na kanilang pinagtataniman o panahon ng pagtatanim.

Karaniwan sa variety na ipinamimigay ng DA PhilRice sa RCEF Seed Program ay ang NSIC RC 480 o mas kilala sa tawag na GSR 8 kung saan kaya nitong mabuhay na sahod-ulan at palayang pinapasok ng tubig-alat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *