Mga magsasaka sa Bicol, iniimbitahan ng D.A na sumali sa kanilang “pinaka contest”

BNFM BICOL—Iniimbitahan ng Department of Agriculture (D.A) Bicol ang mga magsasaka sa rehiyon na sumali sa kanilang “pinaka- contest” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmers’ and Fisherfolk’s Month ngayong buwan ng Mayo.

Maaari silang sumali sa limang kategorya: una, pinakamahabang sitaw, ampalaya, upo at talong; pangalawa, pinakamabigat na langka, kalabasa, papaya, kamote at saging na saba; pangatlo, pinakamalaking bunga ng cacao, pili, pakwan at melon; pang-apat, pinakamalaking sariwang dahoon ng gabi (natong) o dahoon ng malunggay at panlima, pinakakakaibang indigenous crop.

Ang schedule of submission ay sa Mayo 14 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Iaanunsyo rin sa parehong araw ang resulta, alas 4:00 ng hapon. Maaaring dalhin ng mga sasali ang kanilang entries sa Albay Research Development Center, Cabangan, Camalig, Albay; Camarines Norte Lowland Rainfed Research Station sa Barangay Calasgasan, Daet; D.A Regional Office sa bayan ng Pili, Camarines Sur; Masbate Breeding Station, Asid, Masbate City at Sorsogon Production and Technology Center sa Brgy Cabid-an, Sorsogon City.

Isang entry kada magsasaka lamang ang tatanggapin para mabigyan din ng tyansa ang iba pang gusting sumali.

Kabilang sa mga papanalunan ay isang set ng garden tools, isang roll ng garden hose, limang pack ng plant growth enhancer, isang litrong foliar fertilizer, at iba’t-ibang uri ng vegetable seeds.

Mamimigay din assorted vegetable seeds bilang consolation prizes sa bawat commodity.

Ang nasabing patimpalak ay handog ng DA Bicol High Value Crops Development Program (HVCDP) para sa mga Bicolanong magsasaka.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *