Mga magsasaka sa Botolan, sumailalim sa seminar sa pagtatanim at pag-aani ng kamoteng-kahoy

Sumailalim sa pagsasanay tungkol sa pagtatanim ng kamoteng-kahoy ang mga magsasaka ng Botolan at Agriculture Extension Workers o AEWS’s.

Ito ay para magkaroon ng karagdagang kaalaman sa proseso at produksyon ng kamoteng kahoy ang magsasaka.

Pinangunahan naman ni Senior Agriculturist Arnel Abayan ng Provincial Agriculture ang pagtuturo sa mga dumalo sa seminar.

Naglalayon itong palawakin ang kaalaman ng mga magsasaka sa modernong pagtatanim at pag-aani para sa pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: LGU Botolan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *