MGA MAGSASAKA SA BRGY. NAGRUMBUAN, TUMANGGAP NG HYBRID AT INBRED RICE SEEDS

Tumanggap ang mga magsasaka ng Brgy Nagrumbuan Cauayan City ng hybrid at inbred rice seeds kahapon sa pangunguna ng City Agriculture Office, Philrice, kasama rin ang City Council sa pangunguna ni SP Rufino Arcega.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay City Agriculture Engr. Ricardo Alonzo, ang kabuuang alloaction para sa hybrid rice seeds ay nasa 350 hectares habang sa inbred rice naman ay 210 hectares.

Ang bawat bag ng inbred rice seeds ay tumitimbang ng 20 kls kung saan, sa isang hectarya ay makatatanggap ng 2 bags ng inbred rice seeds katumbas ng 40 kls.

Ayon sa Opisyal, mayroong 438 na system generated na naka-rehistro sa RSBSA sa nasabing barangau subalit mayroon lamang halos 59 percent ang dumalo sa naturang aktibidad.

Para naman aniya sa mga hindi nakadalo, maari paring makuha ang kanilang mga binhi basta’t makipag-ugnayan lamang sa kanilang assigned agricultural extention worker.

Dismayado din ang  opisyal dahil halos 50 percent lamang na mga magsasaka ang nagtungo sa naturang  aktibidad kung kayat ibinabala nito na may  mga pagbabago sa polisiya na hindi nanaman nila malalaman sa isasagawang nilang technical briefing kung saan marami nanaman ang magrereklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *