Mga magsasaka sa Canaman,  Camarines Sur pino-problema ang tubig –baha na galing sa Naga City na dumidiretso sa kanilang palayan

NAGA CITY –May mahigit 100 ektarya ng palayan sa Canaman, Camarines Sur ang apektado ng tubig-baha na galing sa Naga City, kung ganitong panahon na walang tigil ang pag-uulan.

Apektado ang mga sakahang nasa Dinaga, Baras at karatig-barangay pa ng naturang bayan, partikular na nagsasaka sa Punta-Dyamante na nagsasakop sa Barangay Haring at San Agustin. Batay sa kuwento ni Virgie Balza, Vice President ng irrigators association sa Canaman, sinabi niyang matagal na nilang problema ito, na hanggang ngayon ay hinahanapan nila ng solusyon.

Bukod sa tubig-baha, pinoproblema din nila ang minsan maruming tubig na galing naman sa bahagi ng Calauag, Naga City na siyang pinakamalapit na barangay sa kanilang sakahan.

Pasalamat sina Blaza, dahil bago man dumating ang pag-uulan, ay nakapag-ani na ang mayoriya sa kanilang magsasaka at kung may palayan namang lubog sab aha ngayon ay iyong mga nagpa segunda agad sa pagtatani.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *