Mga magsasaka sa Naga City na posibleng maapektuhan ng papasok na Super Typhoon handang tulungan muli ng City Agriculture Office

NAGA CITY –Tiniyak ni Acting City Agriculturist Frank Mendoza na laging may nakahandang ayuda ang lokal na pamahalaan ng Naga City pati na rin ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at mga nagtatanim ng mga gulay, sakaling maapektuhan nga ng Super Typhoon na si Mawar ang mga produkto ng mga ito.

Naka monitor aniya sila sa sector ng agrikultura kung may ganitong may banta ng bagyo.

Sa kaniyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Mendoza na partikular na binabantayan nila ay ang pag-aani ng mais.

Nabanggit niya na ang tulong na agad nilang naibibigay sa mga ito ay iyong mapangalagaan ang kalidad ng mga inaning produkto, tulad ng mais at palay na masyadong delikado lalo na kung mabasa at walang sapat na taguan o bodega.

Sinabi niyang may dalawa sila dryer na magagamit ng mga ito at madagdagan pa ito sa oras na maaprubahan na ang budget na hinihingi niya. Maging ang mga nagtatanim ng gulay ay muli na namang maaapektuhan sakaling umulan at bumaha dala ng bagyong ito na tinatantiyang papasok bukas araw ng Biyernes o Sabado sa area of responsibility ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *