Mga magtitinda sa araw ng undas, tiniyak na maging maayos ang kanilang pwesto

LEGAZPI CITY – Sinigurado ng Task Force Kaayusan at Kalinisan sa lunsod ng Legazpi na hindi dapat magulo ang pwesto ng mga magtitinda sa araw mismong Undas.

Ayon kay Mark Anthony Marbella, head ng nasabing grupo, kahit na pakalat-kalat ang kanilang flower shop sa lunsod, ang mahalaga ay maayos ang kanilang pwesto.

Aminado rin si Marbella na hindi maaaring ilagay ang vendor sa iisang lugar partikular sa Legazpi City Public Market sa kadahilanan na ring masikip ang lugar at magkakaroon ng traffic ng mga sasakyan.

Dahil dito, may mga lugar na ibinigay ang lokal na pamahalaan sa lunsod na kanilang pagtatayuan ng mga magtitinda na sinang-ayunan din ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *