Mga magulang ni Derek Ramsay, nakipagkita na sa nanay ni Ellen Adarna

#mamanhikan

Yan ang mababasa sa post ni Ellen Adarna kung saan ay makikita ang pakikipag-meet up ng ina nito sa mga magulang ng kaniyang nobyo na si Derek Ramsay.

Ibinahagi rin ni Derek ang naturang tagpo sa sarili niyang social media account.

Sa video na inupload ni Ellen ay makikita ang pakikipag-bonding niya sa kaniyang ina at future mother-in-law.

Maririnig sa background ng video ang sinabi ng sexy actress na, “My mom is 56, and Tita is 73. And my mom is drinking buko juice and tita is gangster,”

Matatandaan na una nang ipinasilip ni Ellen ang litrato ng isang babae na nagsusukat ng puting gown.

Una nang sinabi ni Ellen na hindi magiging engrande ang kasal nila Derek ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *