Mga magulang ni Irish Payonga, pinasalamatan ang kapupulisan sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa pagpatay sa kanilang anak

NAGA CITY- Hindi na maisasakatuparan ang pangarap na maging isang abogado ni Irish Mae “Mai-Mai” Payonga, isang Senior HighSchool student ng Ateneo de Naga University, pagkatapos na madiskubre itong wala ng buhay at nasa state of decomposition na ang bangkay sa isang bakanteng lote sa Cadlan, Pili Camarines Sur.

Sa panayan ng Brigada News FM Naga kay Mrs. Ellaine Payonga, pinasalamatan nito ang pagsisikap ng PNP Pili at PNP Camarines Sur sa pagtukoy sa responsable sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang anak. Kahapon Nov. 1 sinabi ni PCol. Julius Cezar Domingo , Provincial Director ng PNP Camarines Sur na may “extra-judicial confession” na ang inarestong si Reymark Belleza.

Isinalaysay  ng ginang na matinding kaba ang kaniyang naramdaman noong malamang may babaeng natagpuang patay sa Cadlan, Pili Oct. 31 ng hapon. Nanlumo nang makita ang relong suot ng bangkay, relo nga ito ng kaniyang anak. dali-dali silang pumunta sa lugar at sa pagberepika sa mga iba pang mga gamit, natukoy na iyon nga si Mai-mai.

Nagpapakatatag ngayon si Mrs. Payonga para sa pamilya , pero hindi lubos maisip na ang mga nakikita niya sa balita ay mangyayari rin sa kaniyang panganay na anak.

Mababatid na si Irish ay nawawala noon nagdaang Oct. 28 matapos na magpaalam na pupunta sa isang church event ng isang sekta sa naturang bayan pero hindi ito nakarating sa pagtitipon sa lugar na hindi niya pa kabisado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *