Mga malalakas uminom ng alak pinaghihinay-hinay ng health expert

CAMARINES NORTE- Pinaghihinay-hinay ng isang health expert ang mga malalakas at madalas uminom ng alak dahil sa mga posibleng sakit na makuha dito.

Ito ay sa gitna ng kaliwa’t kanang mga pagtitipon dahil sa mga reunion o ano pa mang okasyon ngayong summer season.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco posibleng mauwi sa atake sa puso ang labis na pag inom ng alak lalo’t nagiging sanhi ito ng dehydration.

Aniya, may mga tao kasing pag uminom ay alak lang talaga at kapag nalasing ay matutulog na kung kaya nag-iiba ang ritmo ng katawan lalo na kapag wala itong masyadong fluid na nauuwi sa atake sa puso.

Binigyang diin ni Francisco na masama sa katawan ang labis na alak na sinasamahan pa ng mga matataba at maalat na pagkain.

Sanay na sanay pa naman daw ang mga pinoy na kumain ng hindi naman healthy.

Madalas din umanong sakit kapag labis ang pag inom ng alak ay liver cirrhosis at nakakasira din ng kidney.

Prone din umano sa sakit sa kidney ang mga taong  nasosobrahan sa pag inom ng pain reliever at mefenamic dahil sa arthritis.

“Marami talaga yung mga sinasabi natin na puros alak pag kalaunan ang sakit ay  cirrhosis, sinasabi natin o liver problem pag mga pagkain naman na matataba, maalat nandiyan po yung sinasabi nating hypertension tapos nandiyan pa yung sinasabi nating atake sa puso at yung iba pang napakahirap lalong- lalo na kapag pumunta kana sa dialysis center natin ditto, yung mga nagda- dialysis dahil po yung kanilang diet ay hindi maganda puros alat, mga maalat lalong lalo na yung mga taong mayroong arthritis , umiinom ng mga pain reliever, mefenamic.”

Mababatid na nitong nagdaang Semana santa ay kaliwa’t kanan ang inuman dahil sa mga reunion at pampamilyang pagtitipon.

Una na ring nagbabala ang PHO sa paliligo sa mga maruruming tubig.

Mula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday ay punuan ang mga resort sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *