Mga maliliit na magsasaka sa bayan ng Basud makikinabang ng natanggap na donasyong delivery truck mula sa DAR.

CAMARINES NORTE – Pinagkalooban ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Caayunan Multi- Purpose Cooperative (CMPC) sa Basud, Camarines Norte ng isang delivery truck na nagkakahalaga ng P1, 795, 000.00

Ang turn over ceremony na ginanap noong isang Linggo ay sinaksihan ng mga opisyal ng DAR at Lokal na Pamahalan.

Ang CMPC ay pangalawang Linking Smallholder Farmers to Markets with Microfinance (LinkSFarMM) site sa lalawigan ng Camarines Norte na inilunsad noong 2019.

Layon ng LinkSFarMM na matulungan ang mga maliliit na magsasaka na mapabuti ang agricultural productivity sa pamamagitan ng pagbibigay ng market support at pasilidad sa mga kwalipikadong Agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs).

Ito ay upang palakasin ang market economy at masiguro ang matatag na “supply of goods” at agri products.

Ang ipinagkaloob ng delivery truck ay pakikinabangan ng 12 clustered farmers na binubuo ng nasa 402 lalake at 267 na mga kababaihan.

Ayon kay Chief Agrarian Reform Program Officer (CARPO) Alicia Almacin magsisilbing marketing support ang delivery truck para sa mga ARB organizations sa ilalim ng LinkSFarMM program ng DAR.

Hinamon din nito ang organisasyon partikular ang mga opisyales na sundin ang napagkasunduan sa pinirmahang Trust Agreement para ma- formalize ang Deed of Donation pagkalipas ng anim na buwan ng execution.

Ayon naman kay OIC- Provincial Agrarian Reform Program Officer Camilo Del Monte kumpiyansa ang DAR na sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ganitong tulong ay magiging independent o makakayanan ng kooperatiba na mag “stand alone”

Nangako naman si Municipal Agriculturist Harry James Felomino na suportado ng kanilang opisina ang LinkSFarMM project.

(photo courtesy: DAR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *