Mga maliliit na sasakyang pandagat sa Northern Coast ng Camarines Sur pinagbawalan muling pumalaot

NAGA CITY- Pinagbawalan muling pumalaot kahapon ang maliliit na sasakyang pandagat  sa ilang bahagi ng Camarines Sur dahil sa malalakas na alon dulot ng Amihan.

Nakapalaman ito sa Sea Travel Advisory kahapon Feb. 27 ng Philippine Coast Guard – Camarines Sur batay sa gale warning ng PAGASA. Sakop nito ng Northern Coast ng lalawigan. Sa Tinambac inalerto ni MDRRM Officer Romel Estolano ang mga Barangay Kapitan at officials na abisuhan ang mga mangingisda.

Hindi na aniya mahirap ang pagbibihay ng babala dahil batid na ng mga mangingisda ang maaaring mangyari. Bihira na rin ang nagpupumilit na maghanapbuhay kapag masama ang lagay ng dagat.

Samantala sa panayam pa rin ng BNFM Naga kay Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta ,binanggit nito na sa mga susunod na araw asahan na ang unti-unting paghina ng Amihan at unti-unti ring pagpasok ng Tag-init.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *