Mga mamamayan ng Olongapo, pinagtitipid sa paggamit ng tubig

Pinagtitipid na sa paggamit ng tubig ang mga mamamayan ng Olongapo.

Ito ay dahil nararanasan na sa lungsod ang kakapusan sa suplay dahil sa mahabang tag-init at kawalan ng ulan na magpapataas sana sa lebel ng tubig sa mga water source.

Ayon kay Subic Water Information Officer Dave Reyes, dahil sa supply shortage, napilitan ang opisina na bawasan ang pressure sa mga tubo na naging dahilan para mawalan ng suplay ang mga nasa matataas na parte ng Olongapo.

Ganunpaman, tiwala si Reyes na tatagal pa ng ilang buwan ang suplay ng tubig sa Olongapo at ang mga susunod na buwan ay i-aasa sa buhos ng ulan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Fact Women are more likely than men to have thyroid issues. Power Cells ang Sakit! Tuldukan HERBAL CAPSULE Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published.