Mga mangingisda sa Camarines Sur inabisuhang huwag nang pumalaot noong sabado dahil sa Bagyong Karding

NAGA CITY- Inabisuhan ang mga mangingisda sa Camarines Sur na huwag nang pumalaot noong Sabado dahil sa Bagyong Karding at ang mga nasa laot naman ay pinamonitor at pinauwi.

Ito ang maagap na tugon ng ilang LGU halimbawa ng Siruma Municipal Risk Reduction and Management Office matapos na mabanderahan ng Signal Number 1 ang Northern at Eastern Portions ng lalawigan kasama rito ang naturang bayan gayundin ang  Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot,Tinambac, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion at  San Jose noong Sabado.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Cyril Barbosa, sinabing may mga mangingisda kasing malayo ang nararating tulad ng Butawanan Island, o kaya sa sakop na ng Dagat Pasipiko.

Ilang beses na kasing may naiuulat na nawawalang mangingisda sa Partido Area kaya pinag-iingat ang mga pumapalaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *