Mga mangingisdang Pilipino,  itinaboy umano ng China Coast Gaurd mula sa Ayungin Shoal

Itinaboy umano ng China Coast Gaurd mula sa Ayungin Shoal ang mga mangingisdang Pilipino.

Ayon sa ulat, makikita sa isang video ang CCG vessel 5204 at isang speed boat na umano’y itinaboy ang mga mangingisda.

Ang Ayungin Shoal ay may layong 100 nautical miles mula sa Palawan ngunit malapit din ito sa Mischief Reef, isang lugar sa West Philippine Sea  na iniulat na inookupahan ng China.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, kakausapin nila ang mga mangingsidang sangkot sa insidente upang makakuha ng impormasyon kung ano ang nangyari.

Ipapasa ang kanilang mga pahayag sa National Task Force- West Philippine Sea at sa Department of Foreign Affairs  sakaling maghain ng diplomatic protest ang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *