Mga market vendors sa Tacurong, tumigil sa pagtitinda bilang protesta


KORONADAL CITY — TULOY hanggang ngayong araw ang silent protest na ginagawa ng halos lahat na mga nagbebenta ng karne, gulay at isda sa public market ng Tacurong City.

Sa nasabing silent protest, pansamantalang tumigil sa pagtitinda ang nasabing mga market vendors sa loob ng dalawang araw, simula kahapon.

Partikular na pinoprotesta ng mga ito ang pagdami ng mga talipapa sa mga barangay dahilan kung bakit kumukunti ang kanilang benta sa palengke.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Tacurong City Information Officer Allan Freno, pinoprotestahan ng mga ito ang patuloy na pagbebenta ng mga talipapa sa kabila ng kawalan ng kaukulang dokumento.

Maliban dito, natapos na rin umano ang anim na buwang palugit ng city government para sa mga talipapa na lumipat sa designated areas na tinukoy ng barangay.

Dahil sa protesta, binigyan ngayon ng city government ng 10 araw ang bawat barangay na ilipat sa kanilang mga designated areas ang nirereklamong mga talipapa vendors.

Leave a Reply

Your email address will not be published.