Mga meter readers ng SORECO 2, nais ipasailalim sa training re: mali-maling meter reading

SORSOGON CITY—Inihain ng Bise alkalde ng lungsod ng Sorsogon ang resulosyon na naglalayong sumailalim sa training at seminar ang lahat ng mga meter readers na empleyado ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO II).

Sa ginanap na regular session, sinabi ni City Vice Mayor Eric Dioneda na layunin ng kanyang resolusyon ay upang matuldukan na ang reklamo ng mga member consumer dahil sa mali-maling pag reading ng kanilang mga metro na matagal nang problema tuwing oras na ng bayaran ng kanilang electric bill.

Ayon sa opisyal, hindi simpleng pagkakamali ang dulot ng maling pag reading dahil nagdudulot ito ng pag stress sa panig ng mga consumer.

Giit ng Bise alkalde, hindi dapat nangyayari kung tama at maayos na ginagawa ng mga meter readers ang kanilang trabaho lalo na at may ilan na hindi naman agarang nakikita kung sobra-sobra ang kanilang bayaran.

Umaasa ang opisyal na magiging positibo ang tugon rito ng pamunuan ng SOREC II at maiwasan na ang sandamakmak na reklamo ng libo libong member consumer.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *