Mga miyembro ng Executive branch, pipigilan ng Pangulo na sumunod sa mga summons ni Gordon

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng executive department na huwag pansinin ang summons ni Senator Richard Gordon para sa imbestigasyon ng Senado sa government contracts para sa mga medical supplies na sinasabing overpriced.

Sa Talk to the People briefing ng Pangulo ay tinukoy niya na “undemocratic” ang sinabi ng chairman ng Blue Ribbon Committee na “until kingdom come” ang pagpapatuloy ng mga hearing nito.

Binatikos ng Pangulo ang sinabi ni Gordon dahil dinadamay na nito ang buong bansa at pati na ang executive department.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na inutos na niya kay Executive secretary Salvador Medialdea na mag-isyu ng memorandum para utusan ang lahat ng miyembro ng executive department na huwag pansinin ang mga hearing ni Gordon.

Naniniwala rin ang Pangulo na “overstepping” na si Gordon sa jurisdiction nito at sa nakikita niya ay maituturing na bilang “abuse of discretion” ang ginagawa ng senador.

Umaastang Panginoon na rin anya si Gordon dahil sa pagpupumilit nito na padaluhin ang mga miyembro ng Gabinete sa probe kahit meron pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *