NAGA CITY –Maraming mga dayuhang negosyante sa Naga City ngayon na makikita sa kani-kanilang mga puwesto, ang iba ay mga ambulant vendors o iyong mga naglalako ng kanilang mga paninda at nakikihalubilo sa publiko.
Makikita sila sa mga bangketa sa mga plaza at sa mga kalsada lalo na ngayong sunod-sunod ang nangyaring parade at ngayong araw naman ay traslacion at fluvial procession, matao sa lungsod.
Kabilang sa mga ito ay ang mga dayuhang negosyanteng Muslim na nagtitinda ng mga cellphone, cellphone accessories, vape, balloons at iba pa.
Ayon naman kay Mike Mustapha, head ng Naga City Muslim Community Affairs Office, marami nga siyang mga kababayang Muslim ang nasa lungsod ngayon at nagtitinda na ikinatuwa naman niya dahil sa nagta-trabaho ng matino ang mga ito.
Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Mustapha na galing sa mga karatig-bayan ang mga ito o mga naninirahan na sila sa Camarines Sur.
Aminado siyang ang iba sa kanila ay walang permit, patakbo takbo lamang sa mga otoridad para hindi mahuli dahil sa kakaunti lamang ang capital.
Mananatili ang mga ito sa Naga City, hanggang sa araw ng Linggo.