Mga na-deploy na kabilang sa Government Internship Program ng DOLE FO2, Umabot na sa higit 8,000

Umabot na sa 8, 622 na indibidwal ang napabilang na benebisaryo sa Government Internship Programs ng DOLE Regional Field Office 2 ngayong taon.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Regional Information Officer John Mark Narag, ang naturang bilang ay base sa kanilang datos hanggang October 30, 2022.

Aniya, mahigit 158 milyon pesos ang pondong nailabas na ng ahensya matapos madeploy ang nasabing mga GIP interns.

Magtatrabaho ang mga ito sa mga ahensya ng pamahalaan sa loob ng tatlong buwan.

Samantala, pumalo naman sa 129, 957 ang benepisaryo ng TUPAD program ng DOLE sa rehiyon kung saan mahigit 852 milyon pesos na pondo na ang nailabas.

Kaugnay dito, pinakamaraming benepisaryo sa Isabela na mayroong 101, 034 na sinundan naman ng Cagayan na may 62, 500 beneficiaries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *