Mga na-stranded na OFW sa middle east na papasok sana ng Israel, aabutan din ng tulong ng DMW

Aabutan din ng tulong ng Department of Migrant Workers o DMW ang grupo ng mga overseas Filipino worker na stranded ngayon sa Middle East.

Sa ipinatawag na pulong balitaan kahapon ng DMW, sinabi ni Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac na bumyahe noong October 8 ang mga naturang OFW papasok sanang Israel, subalit na-stranded sa Middle East matapos sumiklab ang kaguluhan sa Israel.

Katuwang ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, imo-mobilize ng DMW ang action fund para pantulong sa kanila.

Dagdag pa ni Cacdac, maging ang mga OFW sa bansa na paalis pa lang sana papuntang Israel na meron nang Overseas Employment certification o OEC, may contract approve at visa ay kabilang din sa aabutan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *