Mga nababakunahan ng booster shot sa Camarines Norte nananatiling mababa na nasa 10. 5 percent

CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang bilang ng mga indibidwal na nababakunahan ng booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.

Umaabot pa lang sa 45, 426 o 10. 5 percent ang mga nakatanggap booster dose sa 323, 058 na fully vaccinated.

Batay ito sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center as of October 28,alas 6 ng umaga.

Ang bayan ng Daet ang may pinakamalaking porsiento sa ngayon na nabakunahan ng booster shot.

Nasa  17, 682 o 22. 7 percent ang nabakunahan ng booster shot sa 72, 944 na fully vaccinated.

Ang San Vicente naman na pinakamaliit na bayan ay nakapag booster na ng hanggang sa  20 percent o 1, 545 sa 8, 476 na fully vaccinated.

Sa San Lorenzo Ruiz ay nasa 12 percent na ang nakatanggap ng booster dose o 1, 260 sa 7, 730 na fully vaccinated.

Nasa 11. 6 percent naman ang nabakunahan ng booster sa Mercedes o 4, 391 sa 26, 242 na fully vaccinated.

Ang nalalabing mga bayan ay wala pang sampung porsiento ang coverage sa unang booster shot.

Nasa 5, 717 o 1. 32 percent ang nakatanggap na ng ikalawang booster  sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *