Mga nababakunahan ng COVID- 19 booster shot sa Camarines Norte nasa  11. 2 percent pa lang

CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan ng  COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong Miyerkules, November 30 nasa 48, 617 pa lang o 11. 2 percent ang mga nakatanggap ng unang booster dose.

Nasa 434, 382 ang 2022 target population na mabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan.

Sa bilang na ito nasa 357, 653 ang nakatanggap na ng unang dose o 82. 3 percent habang 324, 150 indibidwal naman o 74. 6 percent na fully vaccinated.

Ang bayan ng Daet ang may pinakamataas ngayong porsiento ng mga nabakunahan ng booster shot na nasa 23. 5 percent.

Sinusundan ito ng pinakamaliit ng San Vicente mayroong 20 percent.

Ang Talisay ay may 14. 7 percent, Mercedes 13. 4 percent at San Lorenzo Ruiz na may  12. 3 percent.

Habang ang nalalabing mga bayan ay wala pang sampung porsiento ang nababakunahan ng booster shot tulad ng  Basud na nasa 9. 4 percent, Capalonga 9.1 percent, Vinzons at Jose Panganiban na kapwa may 7. 7 percent, Labo 6. 4 percent,   Sta Elena 6. 1 percent at Paracale na mayroon pa lang 4. 8 percent.

Ang mga nakakatanggap naman ng ikalawang booster sa lalawigan ay nasa 1. 53 percent pa lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *