Mga nabakunahan ng 2nd COVID booster sa Camarines Norte halos dalawang porsiento pa lang, DOH bubuksan na sa general population ang pagtanggap nito

CAMARINES NORTE- Halos dalawang porsiento pa lang ang mga nabakunahan ng ikalawang COVID booster sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial COVID-19       Vaccination Operation Center nasa 8,342 pa lang o 1.92 % ang nabigyan ng ikalawang booster shot sa buong lalawigan.

Sa ngayon ang Daet ay nakapagbigay na ng ikalawang booster sa nasa 3,366 indibidwal o 4.31 %.

Ang bayan naman ng Talisay ay nakapagbakuna ng ikalawang COVID booster sa nasa 491 na indibidwal o 2.55%, San Vicente 2.53% at Mercedes na  2.31%.

Ang nalalabing mga bayan ay nasa isang porsiento pa lamang.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Department of Health na  bubuksan na sa general public ang  ikalawang COVID-19 booster para mas maraming Pilipino ang makakuha ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

Sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, batay umano sa updated emergency use authorization ng Food and Drug Administration at sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council, maaari nang magamit ang mga bakuna na mayroon tayo ngayon upang makapag-second boosters na ang general population o ang  healthy adults.

Mababatid na bago ang anunsiyong ito ay mga health-care workers, senior citizens at mga taong immunocompromised lang ang pinapayagang tumanggap ng ikalawang booster.

Ngayon ay magiging eligible na ang lahat ng adult edad 18 anyos pataas para sa fourt jab.

Samantala nasa 53,772 indibidwal sa lalawigan  o 12.4 % ang nakatanggap na ng unang booster dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *