CAMARINES NORTE- Nakapako pa rin sa halos sampung porsiento ang mga nabakunahan ng booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang noong Sabado, nasa 10. 4 percent pa lang ang nakakatanggap ng unang booster sa 322, 827 na fully vaccinated.
Ang bayan ng Daet ang may pinakamataas na bahagdan ng nabakunahan ng booster shot na nasa 22. 6 percent
Nasa 17, 660 ang nakatanggap na ng booster dose sa naturang bayan sa 72, 922 na fully vaccinated.
Ang labing isang bayan ay mababa pa sa 20 porsiento ang COVID- 19 booster shot.
Ang San Vicente na pinakamaliit bayan ay mayroong 19 percent sa 8, 474 na fully vaccinated.
Nasa 14. 6 porsiento naman sa Talisay na may nabakunahang 2, 812 sa 16, 252 na fully vaccinated.
Habang sa San Lorenzo Ruiz naman ay nakapagbakuna ng booster sa 1, 260 indibidwal sa 7, 730 na fully vaccinated.
Ang bayan naman ng Mercedes ay nakapagbakuna ng booster sa 4, 165 na indibidwal o 11 percent.
Nasa 26, 132 indibidwal o 69 percent ang fully vaccinated sa naturang bayan.
Ang nalalabi pang mga bayan ay wala pang sampung porsiento ang nabakunahan ng booster shot.
Umaabot naman sa 5, 606 na indibidwal ang nakatanggap na ng ikalawang booster o 1. 29 percent.