MGA NABAKUNAHAN NG COVID- 19 BOOSTER SHOT SA CAMARINES NORTE NASA 12 PERCENT PA LANG

CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang bilang ng mga nababakunahan ng COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay sa kabila ng maigting na kampanya ng gobyerno na pataasin ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shot para sa proteksyon ng bawat isa lalo na ng vulnerable sector.

Sa pinakahuling datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Center nasa 12 percent pa lang ng 325, 251 o 74. 9 percent na fully vaccinated ang nakakapagpa- booster.

Sa ngayon ang Daet ang nakapagtala ng pinakamataas na bahagdan ng mga nabakunahan ng booster shot na nasa 19, 120 o 24. 5 percent sa 73, 218 na fully vaccinated.

Bukod sa Daet ang nakakasampa pa lang sa 20 percent ay ang San Vicente na mayroong 20. 2 percent.

Ang sampung mga bayan ay nasa 15 percent na pababa.

Ang Talisay ay mayroong 15. 0 percent, Mercedes 14 percent, San Lorenzo Ruiz 12. 6 percent at Basud 10. 2 percent.

Habang ang Capalonga ay may 9. 2 percent, Vinzons 8. 6 percent, Jose Panganiban 8. 3 percent, Labo 7. 2 percent, Sta Elena 6. 9 percent at Paracale na mayroon pa lang 6 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *