Mga nabakunahan sa Naga City umabot na sa mahigit 2-libo; online vaccine registration gagawin na

NAGA CITY- Tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa mga nasa A1 at A2 priority sa Naga City na ginagawa sa Mega Vaccination Facility na Jesse M. Robredo Coliseum.

Sa regular na update ng Health Emergency Response Task Force o HERTF sa pamamagitan ng City Events Protocol and Public Information Office , sinabi ni CEPPIO Chief Allen Reondanga na umabot na sa mahigit dalawang libo ang nabakunahan ng CoronaVac mula sa Sinovac  ng China at AstraZeneca ng  British-Swedish multinational pharmaceutical and biotechnology company. 

1, 849 Nagueño na karamihan senior citizen ang nakatanggap ng 1st dose ng CoronaVac, 152 na ang nakapagpaturok ng 2nd dose ng parehong bakuna, 240 na frontliners ang nabakunahan na ng AstraZeneca sa Bicol Medical Center.

Dahil wala namang gaanong side effects ang CoronaVac, marami ang nagnanais na mabakunahan na rin. Dahil limitado pa ang paggalaw para sa sa pagrehistro, bubuksan na ngayong Miyerkules ang portal para sa online registration.

Laman din ng portal ang mga pamantayan mula sa DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *