Mga nadakma sa illegal gambling, hinainan na ng kani-kanilang warrant of arrest

SORSOGON CITY – Hinainan na ng kani-kanilang arrest order ang limang indibidwal na una nang nadakip dahil sa ilegal na sugal sa bayan ng Gubat.

Sa Brgy Bulacao ay inaresto sina Jovic Mar Balbino Bulawan, 25-anyos at Francis Ebuenga Estares, 35-anyos parehong binata at mga magsasaka kapwa residente ng Sitio Malidlid ng nasabing barangay.

Ang dalawang akusado ay nadakip noong Martes sa isang tupadahan.

Sa Brgy Bagacay naman ay arestado sina Edgar Tomale Fortes, 28-anyos, mangingisda, Aida Escopete Gregorio, 53-anyos at Larry Espayos Mendoza, 34-anyos, magsasaka.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa PD 1602 o anti-gambling law.

Ang pinaigting na operasyon ng Pulisya laban sa ilegal na sugal lalo na ang tupada ay mismong ipinag-utos ni Chief, PNP Gen Guillermo Eleazar, kung saan nagbaba ito ng direktiba sa lahat ng kanyang police commanders hinggil sa malawakang crackdown laban sa tupada o ilegal na sabong.

Nakipag-ugnayan din ito sa DILG para mabigyan ang PNP ng clearance na magsampa ng kaso sa mga opisyal ng barangay na may presensya ng tupada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *