Nagbabala ang Municipal Environment and Natural Resource Office o MENRO sa mga nag aalalaga ng mga baboy sa poblacion ng Roxas Ganun din sa iba pang Barangay.
Base kase sa municipal ordinance na umiiral sa ngayon, kailangan umano na malayo sa kabahayan ang pag aalaga ng baboy upang hindi ito maka-perwisyo.
Nakasaad rin sa ordinansa, dapat ay may dalawampung metro ang layo ng baboyan sa kabahayan para walang baho na makarating sa kabahayan.
Ayon kay Ms. Marilou Manlavi ng MENRO, nagkaroon ng kasundunan ng opisina at nag aalalaga ng baboy na bigyan sila ng ilang buwan pang palugit upang ilipat ang kanilang mga alaga.
Gayunpaman, pinatitiyak ng opisina na walang magrereklamo na residente dahil maaaring magmulta ang may-ari ng mga baboy.