Mga nag-aalagang baboy sa Legazpi City, hinikayat na maging miyembro ng kooperatiba para sa dagdag na kita at sustainability ng hog industry

LEGAZPI CITY – Nananawagan ang City Veterinary Office ng nabanggit na lunsod sa mga nag-aalaga ng baboy na hindi pa miyembro ng kooperatiba na makiisa at maging miyembro nito.

Hinihikayat ni Dr. Emmanuel Estipona, head ng nasabing opisina, ang mga nag-aalagang baboy na maging myembro na sa nasabing programa upang magkaroon ng dagdag na kita at sustainability sa hog industry.

Aniya, maiistabilize na rin ang presyo ng karneng baboy at live weight na kung saan kikita ang mga magsasaka at ang mga mamimili ang makikinabang dito.

Sa oras na maging myembro ang mga ito ay madadagagan ang purchasing power o kung ano ang income ng kooperatiba ay kita ng lahat ng myembro.

Maliban pa rito, hindi na mangagamba sa sakit na African Swine Fever (ASF) dahil sa itinayong Biosecure Swine Housing Facility sa lungsod.

Dagdag pa nito, maaari rin magkakaroon ng sariling produkto ang lungsod at magkaroon ng research development department, kung mayroong Pampanga best may posibilidad na magkaroon ng hamon de Legazpi. Sinabi ng opisyal, sa tulong ng Inspire program inaasahan ng ahensya na magkaroon rin ng sariling negosyo at magkaroon ng sarili rin ng meat processing plant upang mas maingat ang kabuhayan ng mga magsasaka lalong lalo na ang mga nag aalagang baboy sa lungsod ng Legazpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *