Mga nag-apply sa job fair sa Olongapo kahapon nasa higit 300 lamang

Dismayado ang Public Employment Service Office ng Olongapo kasunod ng ginanap na job fair sa dalawang mall sa lungsod noong labor day.

Ito ay sa kabila na higit siyam na libo ang job vacancies na binuksan katuwang ang iba’t ibang kompanya.

Ayon kay PESO Manager Mario Esquillo, kahit may mga panawagan na samantalahin ang pagkakataong gaya nito ay tila walang interes ang ilan pero nagrereklamo sa social media laban sa gobyerno dahil sa kawalan ng trabaho.

Matatandaan, kahapon ay nagkaroon ng malawakang job fair sa iba’t ibang panig ng bansa kasabay ng labor day.//Christian Andres-BNFM Olongapo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *