Mga nagbuntis ngayong mainit ang panahon, dumami; sexual desire mas tumataas kapag sobrang init – NCPNO

NAGA CITY – Nakapagtala ng 754 na mga nagbuntis simula Enero hanggang Abril ngayong taon, ang Naga City Health Office, mas dumami kumpara sa nakaraang taon, lalo na pagdating ng Abril na nasa 242.

Ayon kay Margarita Romina Barrion, Registered Nurse 1, Safe Motherhood at Adolescent Coordinator, ng opisina, hindi nila inaasahan na dadami ang magbubuntis gayong sobrang init ng panahon. Malaki kasi ang epekto ng mainit na panahon sa pagbubuntis o panganib dahil maliban sa maaaring maapektuhan ang development ng bata, may mga pagkakataon na maaaring mapa-aga ang panganganak.

Sa panayam naman kay Joy Macaraig, Population Program Officer IV, ng Naga City Population and Nutrition Officesinabing posibleng malaki ang kontribusyon ng mainit na panahon sa pagdami ng mga nagbubuntis, dahil tumataas ang sexual desire ng isang tao, sa pamamagitan ng pagtaas ng libido, blood flow o temperatura nito sa katawan. Kapag nasisikatan naman ng araw mas dumadami ang vitamin D na nagpapataas ng testosterone level o performance lalo na sa mga lalaki.

Gayunpaman, paalala ng mga opisyal lalo na ang pagbubuntis na kailangan ng matinding pag-aalaga lalo na ng asawa, maging responsable upang hindi kulangin sa nutrition si baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *