Mga nagpaparehistro para sa barangay at SK election sa buong Bicol, pumalo na sa mahigit 80,000

Pumalo na sa mahigit 80,000 o kabuuang bilang na 82,941 sa ngayon ang nakapagparehistro sa Commission on Elections (COMELEC) Bicol para sa barangay at SK elections sa mga munisipyo at siyudad ng nasabing rehiyon.

Ayon kay Atty. Annie Romero Cortez, assistant regional director ng nasabing tanggapan, simula nang binuksan ang aplikasyon sa registration ay nagkaroon na ng 47,792 na regular voters habang 35,149 sa SK.

Isasailalim pa umano ito sa election registration board (ERB) ngayong buwan ng Pebrero upang masama sa bilang ng mga boboto sa darating na eleksyon.

Sa tala ng tanggapan, umaabot ngayon sa mahigit 3.9M sa regular o barangay registered voters habang nasa mahigit 1.6M naman sa SK registered voters noong Agosto 1 ng nakaraang taon sa ERB hearing.

Inaasahan din ng COMELEC na papalo sa mahigit 5.6M sa Bicol ang makakapagrehistro ngayong taon 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *