Mga nagpaparehistro sa E-Konsulta sa Legazpi City, nasa 20% pa lamang – CHO

Inihayag ng Legazpi City Health Office (CHO) na nasa 20% pa lamang ng mga populasyon sa lunsod ang nakakapagparehistro sa E-konsulta program ng PhilHealth.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Fullbert Gillego, CHO head, sinabi nitong kung titignan ay maliit na numero lamang ito kung ikukumpara sa bilang ng populasyon, ngunit ang datos umano ay gumagalaw at hindi rin sila tumitigil.

Dagdag pa niya, ang lunsod ang naunang maglunsad ng nabanggit na programa, kung saan ang mga kababayan mula sa mga barangay nito ay ni-rehistro.

Siniguro naman ni Gillego na ang mga araw-araw na kumu-konsulta ay nire-rehistro na sa programa, at mayroon ding mga hakbang ang opisina upang maparami pa ang mga magpaparehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *