CAMARINES NORTE – Walang bakuna ang karamihan sa mga nagpositibo sa Covid-19 sa lalawigan ng Camarines NorteĀ ngayong Hulyo na kinabibilangan ng mga sanggol.
Kabilang sa mga sanggol na nagpositibo sa sakit ay ang isang buwang gulang mula sa Sta Elena at pitong buwang gulang mula naman sa Daet.
Sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) siyam sa 17 nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan ay walang bakuna habang lima naman ay mayroong bakuna.
Ang iba naman ay walang kumpletong Case Investigation Form kaya hindi mabatid kung bakunado o hindi.
Ang 17 nagpositibo kung hindi na- admit sa Camarines Norte Provincial Hospital ay nag home quarantine o sa pasilidad ng LGU nagpagaling.
Kabilang sa mga bayan na nakapagtala ng mga kaso ng COVID-19 ngayong buwan ay ang Daet, Paracale, Sta Elena, Mercedes, Basud, San Vicente at Talisay.
