Mga nagregister online para makakuha ng slot sa March 26, 2023 Career Service Examination, Pen and Paper test sobra sa quota

CAMARINES NORTE- Sumobra sa quota ang mga nag- register online para makakuha ng slot sa gaganaping March 26, 2023 Career Service Examination, Pen and Paper test sa March 26, 2023.

Ito ang inihayag ni Camarines Norte Civil Service Commission (CSC) Acting Director II Atty. Alicia Salinas sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Mababatid na binuksan ng CSC ang New Normal Waitlist System o N-List simula December 12 hanggang 16 para sa mga registered examinee nang naunsyaming March 2020 CSE- PPT na guaranteed na ng slot at kinakailangan lang mag register.

Nagpapatuloy naman ngayon ang online registration para sa general public na nag simula noong Lunes, December 19 hanggang sa Biyernes December 23.

Ayon kay Salinas mahigit 1, 800 professional at sub- professional examinees ang kanilang quota sa March 2023 examinations.

Ang registered examinees nang naunsyaming March 2020 CSE- PPT ay nasa 1, 500.

Ang ma- aacomodate lang ay ang nabanggit na bilang ng quota para sa Camarines Norte.

Sakaling hindi ma- accommodate ay sa susunod umanong exam ito mabibigyan ng slot na naka- schedule sa Agosto 2023 kung interesado pang kumuha ng exam ang mga ito.

“As of now ang dami na talaga, sobra na sa quota, more than the quota na talaga na ano so talagang definitely yung mga nahuling mag- register pwedeng hindi na sila abutin dito sa ano, schedule na March exam, March 26, 2023,” ani Salinas.

“Kasi ang target namin for March 26, 2023 na exam nasa 1, 800 plus both ano na yan ah professional and sub professional, kumbaga ang makakuha nun nang yung nabigyan ng number na ganyang ano 1, 800, yug ang makaka- exam for March 2023, the rest pwedeng doon na sila sa  susunod na mga exam, kung interested pa sila doon.”

Ang actual filing of application naman para sa exam ay sa Enero 4 hanggang 18 para sa naunsyaming March 2020 examinnes at mula 19 hanggang 25 naman sa general public.

Mano- notify ang mga examinee sa pamamagilan ng list app at dito rin magbibigay ang CSC ng mga instructions

Hindi naman inaalis ng CSC ang posibilidad na tatlong beses na gawin ang kahalintulad na test sa 2023 para lang ma- aacomodate ang sobrang dami ng gustong kumuha ng exam.

“Although ang exam calendar na  pinalabas ng komisyon ano lang talaga March and August kasi ang October namin na naka- schedule, yung special exam, yun yung sa Fire Penology and BCLTE, meron namang possibility na pag nakita ng komisyon na talagang marami pa ang ano, pwedeng mag -schedule ulit ng another exam for this year.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *