Mga nakaimbak na pagkain ng rebeldeng npa, nakumpiska ng kasundaluhan sa Cagayan

Nakumpiska ng kasundaluhan ang mga nakaimbak na pagkain ng mga rebeldeng pangkat sa bahagi ng Sitio Nagattatan, Barangay Bural, Rizal, Cagayan.

Inihayag ni MGen. Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division Philippine Army, dahil sa pagkakatunton ng mga nakaimbak na itinagong pagkain ng mga rebelde ay tiyak na matatauhan umano ang mga natitirang pang rebelde kapag nakaranas ng hirap at gutom habang nagtatago.

Natunton ang kinalalgyan ng mga pagkain matapos isuplong ito ng isang dating rebelde.

Agad na bineripika ng kausndaluhan ang naturang impormasyon at nadiskubre ang mga apat na gallon na naglalaman ng bigas, nakasakong canned goods at instant noodles.

Ayon kay LtCol Angelo C Saguiguit, Battalion Commander ng 17IB, batay sa pahayag umano ng former rebel, ang mga nakumpiskang pagkain ay pagamay-ari ng mga kasapi ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley sa pamamagitan ng Militia ng Bayan.

Magugunitang nitong January 4 lamang din ay narekober ng kasundaluhan ang food supply ng mga rebelde sa Barangay San Juan sa nabanggit na bayan.

Pinuri naman ni MGen. Mina ang magandang ugnayan ng tropa ng pamahalaan at former rebels sa kampanya laban sa insurhensiya.

Photo/5ID PA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *