Mga nakalinyang aktibidad para sa 60th founding anniversary ng Pio Duran, inilatag

LEGAZPI CITY – Inilatag na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng lokal na pamahalaan ng Pio Duran, Albay ang mga nakalinyang aktibidad na may kinalaman sa pagdiriwang ng ika-60 founding anniversary ng Pio Duran bilang independent municipality.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay MDRRMO head Noel Ordoña, sinabi niya na ang kanilang bayan ang pinakabatang bayan ng lalawigan.

Aniya, ang kanilang anibersaryo ay nataon din sa pangalawang taong pagdiriwang ng kanilang Tinapa Festival.

Kabilang sa mga isasagawa kaugnay ng pagdiriwang ay ang Color Run sa Marso 9; Folk Dance Competition Cultural Show sa Marso 10; Drum and Lyre Corps sa Marso 11; Mutya ng Pio Duran sa Marso 12.

Umaga ng Marso 13 ay magkakaroon ng Civic Military Parade at Wreath-laying ceremony para kay Pio S. Duran at pagsapit ng gabi ay magkakaroon ng Gabi ng Parangal.

Sa Marso 14, isasagawa ang underwater clean-up drive at iba pa, kasabay ng Tinapa Culinary Year 2; Zumba for a cause sa Marso 15; Dance Tournament sa Marso 16 at concert ng Cueshe, at marami pang iba.

Umaasa si Ordoña sa koordinasyon at pakikiisa ng mga residente sa kanilang banwaan para sa kanilang mga inihandang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *