Mga nakalinyang proyekto ng City of Ilagan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang mga nakalinyang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Ilagan sa kabila ng nararanasang pandemya kung saan nasa bidding process na ang road concreting ng walong barangay.

Sa pagsasalita ni City of Ilagan Mayor Jay Diaz, kasalukuyan na ang bidding ng karagdagang proyekto ng LGU Ilagan na kinabibilangan ng road concreting sa Sta. Isabel Sur, Naguilian Norte, Nagulian Sur, San Ignacio, Paluieg, San Felipe at Alibagu na may kabuoang pondong 44 milyon pesos.

Kaugnay dito, ay napapatuloy parin ang road concreting sa iba pang barangay ng lunsod kung saan natapos na sa Brgy. Pilar at Sifu.

Ayon pa sa alkalde, sinimulan na rin ang pagpapatayo ng Evacuation Center sa likod ng Ilagan City Hall na mayroong pondong 28 milyon pesos.

Dagdag pa ni Mayor Diaz, matapos umanong makuha ang certification ng City of Ilagan Medical Center sa DOH bilang Certified Community Isolation Unit ay isusunod na ang pagkuha ng License to Operate bilang medical center.

Samantala, kinukumpleto na ng LGU-City of Ilagan ang mga kagamitang kinakailangan upang regular nang  magamit ang nasabing medical center.

Photo: MyCity PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *