Mga nakarekober sa COVID-19 sa Camarines Norte nadagdagan habang 2 panibagong kaso naitala ngayong araw

CAMARINES NORTE – 9 ang nadagdag sa talaan ng mga nakarekober sa COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa pinakahuling ulat ng DOH Bicol kung saan umakyat na sa 198 ang total recoveries

Habang may 2 panibagong kaso naman ang naitala mula sa bayan ng Mercedes at Vinzons Bunsod nito, ย 109 ang naitalang aktibong kaso ng sakit mula sa bilang naย  116 na naitala nitong May 02.

Nananatili naman sa 15 ang naitalang pagkasawi habang may 8 ang nagnegatibo ang resulta matapos sumailalim sa swab test

Ang lalawigan ay mayroon ng 322 total cases ng COVID-19

Patuloy ang pagpapaalala ng DOH at PHO sa publiko na sumunod sa mga health protocols habang nagsasagawa ngayon ng vaccination rollout sa lalawigan

Sa ngayon ay nasa A1 category pa lamang ang vaccination sa lalawigan ngunit inaasahang sisimulan na ang pagbabakuna sa mga A2 category o ang mga nakatatandang mamamayan na may edad na 60 taong gulang pataas, gayundin ang A3 o ang mga taong may comorbidities na hindi kasama sa mga naunang kategorya ngayong buwan ng Mayo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *