Mga nakatira sa US na may COVID-19 surge pinagsusuot na muli ng facemask

Pinagsusuot na muli ng face mask sa mga indoors ang mga mamamayan ng America na nakatira sa mga lugar na mayroong bagong surge ng COVID-19.

Ang abiso ay ginawa ng Centers for Disease Control and Prevention kasunod ng paglaganap ng mas nakakahawang Delta variant.

Nakasaad sa updated guidlines na inilabas, na kabilang sa mga pinagsusuot ng face mask ang mga estudyante at school staff na dati nang naging isyu ang pagsusuot ng mask.

Ayon sa report ng Johns Hopkins University, naitala ang bagong 89,418 COVID-19 cases sa America.

Matatandaan na dati nang isyu ang pagsusuot ng face mask sa America dahil marami sa kanilang mamamayan ay tumatangging magsuot lalo na sa indoor.

Samantala, aminado si US President Joe Biden na inconvenient sa mga estudyante ang pagsusuot ng face mask pero dapat maipabatid sa mga ito na isa ito sa mga pinakamabisang proteksyon laban sa virus Lumalabas sa pag-aaral ngayon sa America na karamihan sa mga naoospital dahil sa COVID-19 sa America ay mga hindi nabakunahan kontra COVID-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *