Mga namimigay ng pera sa mga ‘badjao’ na nanlilimos sa Tabaco City, posibleng mapatawan ng penalidad sakaling magpasa ng ordinasa ang Sangguniang Panlunsod

LEGAZPI CITY – Isa lamang ang nakikitang paraan o solusyon ng Tabaco City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang tuluyan nang mabawasan ang presensya ng mga badjao sa lunsod ng Tabaco.

Ito umano ay ang pagpasa at pagkakaroon ng ordinansa na nagbabawal sa pagbibigay ng pera sa mga badjao na nanlilimos sa lunsod.

Ang pagpasa ng nasabing ordinansa ng Sangguniang Panlunsod at ng lokal na pamahalaan ay hiling ni CSWDO head, Mariz Villanueva upang matutunan din ng mga badjao na maghanap ng ibang mapagkukunan ng hanapbuhay na hindi sa paraan ng panghihingi o panlilimos.

Ayon kay Villanueva, madalas silang nagkakaroon ng problema dahil ginagawa nang natural na hanapbuhay ng mga badjao ang panlilimos.

Sakali man umanong magkaroon ng gayong ordinansa, kailangang nakapalaman dito ang pagpataw ng penalidad sa mga taong mamimigay ng pera sa mga nanlilimos.

Samantala, mayroon namang mga interbensyon ang nasabing tanggapan upang makatulong sa kanila tulad ng pag-aalok ng mga trabaho upang kahit papano ay mayroon silang pera na pangtustos sa kanilang mga pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *