NAGA CITY- Mga nakangiting mata ang sumalubong sa Brigada News FM Naga Martes ng umaga Oktubre 18, 2022 sa Daycare Center ng Barangay Concepcion, Grande.
Bitbit kasi ng BNFM ang goto mula sa Brence-P Catering , spaghetti na hamdog ng Din’s Alfresco Café , tinapay at inumin, sympre pa ang multivitamins na Yummy Vit para sa mga bata at Maxan Capsule para sa kanilang mga nanay.
Bukod sa handog na ito ng BNFM, nagkaroon din ng maikling programa kung saan tinalakay ng Barangay Health worker na si Blandina Capistrano ang kahalagahan ng pagpapadede ng mga nanay at papakain ng masustansya.
Nakatuwang din ng BNFM ang St. Roch Animal Bite Center na nagpaalala kung ano ang mga dapat gawin upang maiwasang makagat ng mga hayop ang mga bata lalo na kung naglalaro sa labas o kung saan man o di kaya ay pinaglalaruan ang sariling alaga.
Sa mga susunod pang programa ukol sa Mother and Child Care advocacy ng Brigada Mass Media Corporation matatasama naman ng BNFM ang iba pang mga barangay.
BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya…
Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa…
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…