NAGA CITY – Tumataas ngayong taong 2023 ang mga nangangailangan ng dugo lalo na sa Naga City at sa Camarines Sur.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mario Cecilio Chavez, Blood Program Coordinator sa Bicol Medical Center – National Voluntary Blood Services Program Blood Bank Inventory.
Kung saan target nila ang nasa 38,000 collected blood ngayong taon kumapara sa 37, 000 noong 2022.
Patuloy rin ang nagiging pagbabantay at monitoring nila lalo na dapat proportion at tama lamang ang dugong nakokolekta para sa mga mangangailangan lalo na’t karamihan sa mga nangangailangan ng dugo ay ang mga bagong panganak, mga nagki-chemo , mga may cancer at iba pa.
Matatandaan na kinulang sa supply ng dugo ang naturang pasilidad noong Enero dahil sa mas maraming nangangailangan at ilang mobile blood-letting donation din ang kinansela. Ngayon nakayellow code na at patuloy na rin ang mga blood donation activity.