Mga Negosyo Center sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte katuwang na rin sa monitoring ng basic and prime commodities

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Trade and Industry na katuwang na rin sa monitoring ng basic and prime commodities ang mga Negosyo Center sa iba’t- ibang bayan.

Mababatid na halos lahat na ng bayan sa lalawigan ay mayroon nang Negosyo Center maliban sa San Lorenzo Ruiz at Talisay.

Sa isinagawang Talakayan sa Philippine Information Agency via zoom nitong Lunes, October 10, na dinaluhan ng ilang miyembro ng local media, sinabi Alvin Sayno, Consumer Protection Division Head ng DTI Provincial Office na regular ang pagsasagawa nila ng monitoring sa mga produkto na nasa kanilang hurisdiksyon.

Dito sa Daet ay lingguhan ang monitoring sa iba’t- ibang establishment habang sa tatlong bayan na tinatawag na economic growth centers  tulad ng Labo, Jose Panganiban at Sta Elena ay monthly ang monitoring.

Hinimok rin ni Sayno ang mga konsyumer na mayroong reklamo sa nabiling produkto na dumulog sa kanilang opisina.

Mayroon umanong consumer’s complaint desk ang DTI kung saan maaaring idulog ang reklamo.

Kahit nga umano ang mga agricultural products o iba pang produkto na hindi sakop ng kanilang hurisdiksyon ay maaaring idulog sa complaint desk at kanila naman aniya itong ipinapasa sa concerned agency.

Ang concerned agency naman umano ang mga- iisyu ng notice of violation.

Ngayong Oktubre ay Consumer Welfare  month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *