Mga negosyo sa Naga City, unti-unti nang nakakabawi ayon sa City Treasurer Office; business renewal magsisimula na ngayong darating na Enero

NAGA CITY – Unti-unti ang nakakabawi ang pagnenegosyo sa Naga matapos padapain o pabagsakin ng pandemya.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Maricor Gayanilo, Acting City Treasurer.

Aniya, bagamat may mga nagsarang mga negosyo sa lungsod masasabi nitong maganda na ang tax collection at nakukuha na ang target ng opisina.

May mahigit 400 kasing mga negosyo sa lungsod ang nagsara dahil sa naging epekto ng pandemya lalo na ngayon ilang negosyo rin ang apektado sa pagtaas ng mga bilihin lalo na ang mga kainan.

Sa kabila nito good news naman dahil may mahigit 9,000 ring mga bagong negosyo, mga kakabukas pa lang at kasalukuyang nag-ooperate mayroon ang lungsod at masasabing may pagtaas sa collection.

Samatala, ngayong darating na Enero 3 hanggang 20, 2023, magsisimula na ang Business Renewal sa People’s Hall ng City Hall, at ina-anyayahan ang lahat ng mga negosyong magrerenew, dalhin lamang ang mga requirements tulad ng BIR Form na may dalawang klase; 1701Q at 2551M, 1702Q at 1702, Barangay Business Clearance, Sanitary Permit, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *