Mga OFWs may dagdag proteksyon at benepisyo ayon sa POEA

Kinumpirma ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Atty. Bernard Olalia na may karagdagang proteksyon at benepisyong matatanggap ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ito’y matapos ilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang department order 228 o expanded compulsory insurance kung saan magiging sakop na ang mga Balik Manggagawa (BM) at direct hires.

Ayon kay Olalia, nai-published na nila ang Implementing Rules and Guidelines nitong Marso ngayong taon at dapat implemented na umano ito.

Makakatanggap ng USD7,500 ang lahat ng nagtatrabaho abroad para sa permanent disability, USD10,000 naman para sa natural death at USD15,000 para sa accidental death.

Iginiit ng tagapangasiwa na walang dapat bayaran ang mga OFWs dahil responsibilidad umano ito ng kanilang mga employers at kung sila ay hindi tutupad sa panukala ay babayaran ito ng kanilang agency.   

Samantala, ang sino mang lalabag sa naturang regulasyon ay mapapabilang sa ‘block list’ at hindi na sila pwedeng mag-hire mula sa Pilipinas. Maaari namang mag-email ang ating mga kababayan abroad sa Legal Assistance Division sa [email protected] para sa anumang reklamo. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *