Mga OFWs na apektado ng economic crisis sa Saudi Arabia, may financial aid mula sa OWWA

KORONADAL CITY – MAKAKATANGGAP ng tig P 10,000 na financial assistance ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na nawalan ng trabaho at na-repatriate mula sa Saudi Arabia dahil sa economic downturn sa naturang bansa noong 2016 hanggang 2019 at may pending money claims sa Saudi Labor Court.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 regional director Marilou Sumalinog na ito ay sa ilalim ng Humanitarian Assistance for OFWs with Saudi Claims o HASC.

Inihayag ni Sumalinog na sa region 12, nakapag-release na ang mga ito ng P 360,000 na ayuda sa 36 na mga affected OFWs.

Ngayong buwan ng Mayo, inaasahan naman ang releasing sa 2nd batch ng mga benepisyaryo.

Sa mga kwalipikado sa naturang financial assistance, mag-apply sa pamamagitan ng portal na hasc.owwa.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *